Palpak na pagtukoy ng 4PS beneficiaries

MINSAN na rin nating tinuligsa sa espasyong ito ang ABUSO ng local officials ng pamahalaan ukol sa pagpapatupad/implementasyon  ng Pantawid Pampamilyang Pi-lipino Program o 4PS, na mas nilakihan ng Aquino Administration.

Ang programa na hinggil sa amelyurasyon ng mga dukha (those living below the poverty line), tulad ng nasabi na natin noon, ay ginawang SALT MINE ng mga nakaupong local officials.

“Ghost beneficiaries” ang madalas na itinatala sa compliance report nila. At kung may patilamsik man sa intended beneficiaries, mga political supporters lang nila ang inililista.

Umuwi tayo sa Bicol ngayong Undas at abot tenga na naman ang ngisi ng ating mga kaibigang Gob/Kongresista/Meyor. Paano’y napaulat na may 85,375 beneficiaries na sakop ng 571 barangay sa 59 munisipyo sa buong Kabikolan lamang ang 4PS.

Mantakin mo, anila, ang masisiba nila – at mga kaalyado nila – sa kabuuang inilaan na halaga.

At ‘di lang yan, ika nila. Dadagdagan pa ang ipamamahaging benepisyo sa mga mahihirap nila dahil ipapatong pa sa 4PS, sa pangangasiwa muli ng Department of Social Welfare and Development, ang kontrobersyal ding P21 billion Conditional Cash Transfer.

Magkakaroon ng P1,400.00 kada buwan, at sa loob ng sampung (10) buwan,ang  bawat benepisyaryo.

“Happy kurakot days are here again!” pabiro pa ngang sabi sa akin ng isang mayor.

Pinuna ng espasyong ito noon  ang 4PS sa paniniwala nating taliwas sa sinabi ng Chinese philosopher na si Lau Tzu na “we should not give a man fish, but teach him how to fish.” Ngunit andyan na yan – at may karagdagang fish pa nga, dahil sa CCT.

Dapat nga lang AYUSIN ng DSWD ang pagtukoy ng mga bene-pisyaryo nang HINDI MAGING unfair, farcical at katawa-tawa ang implementasyon nito. Tulad na lang sa aming 3rd district ng Masbate, na ang mga pulitikong lokal na kasangga nina Sen. Manny Villar at Gibo Teodoro ang nagsipagwagi pa  rin  bilang  Cong/mayor/baran-gay chairman.

Sa halalang Panguluhan noong Mayo 2010, pinahirapan ng mga damuhong ‘to ang mga kapartido’t movement supporters ni PNoy.

Kung ano-anong death threats at panggigipit ang inabot ng mga lider at suporter ni PNoy. Ngunit  sa implementasyon ng 4PS sa tersero distrito sa lalawigan ng Masbate ay BOKYA – o HINDI LISTADO – ang mga pamilyang mahihirap na nagtaguyod kay Pnoy at mga kasamahan niya!

Ano ba yan, Kal. Dinky Soliman?!?

Pakialaman mo naman ang implementasyon ng 4PS/CCT sa aming lalawigan at huwag ipagkatiwala nang lubos sa mga lokal na opisyal – at kasangga nilang mga barangay chairman – ang pagtukoy ng mga nararapat na benepisyaryo. Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply