Pamamaslang sa lider ng grupong Courage, kinokondena

KINOKONDENA ng grupong Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pamamaslang kay Carlo “Caloy” Rodriguez, pangulo ng Nagkakaisang Lakas ng Manggagawa ng Calamba Water District (NLM-CWD), kaanib ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE).
Sa ulat, tinambangan si Caloy ng mga salaring magkaangkas sa motorsiklo habang papauwi galing sa trabaho dakong 5:30 ng hapon noong Nobyembre 12, 2010 sa Halang, Calamba City, Laguna. Nagtamo ng apat (4) na tama ng baril si Caloy na agad niyang ikinamatay.

Ayon sa Pamantik, kilala at respetadong lider si Caloy hindi lamang sa pampublikong sektor na kanyang kinabibilangan. Taun-taong kakapit-bisig ng mga manggagawa sa pribadong sektor ang unyong pinamumunuan ni Caloy sa Calamba Water District sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Manggagawa sa panrehiyong pagkilos nito tuwing Mayo Uno sa Calamba City. Bilang pangulo rin ng kanilang unyon, sinikap niyang isanib ang kanilang lakas sa mga pagkilos at pakikibaka ng iba pang sektor sa rehiyong Timog Katagalugan.

Gaya ni PAMANTIK-KMU Chairman Diosdado “Ka Fort” Fortuna at BAYAN-TK leader Noli Capulong na pawang pinaslang din sa Calamba City sa panahon ng rehimeng US-Arroyo, ang di-matatawarang komitment ni Caloy sa manggagawa at mamamayan ang nais kitlin ng mga salarin sa pamamagitan ng pagpaslang.
Nagpapatuloy anila ang extra-judicial killings sa rehiyon bilang kabilang mukha ng pagsasampa ng gawa-gawang kaso sa mga kilalang lider at aktibista. Unang biktima si Caloy ng extra-judicial killing sa Laguna ngayong panahon ng administrasyon ni Noynoy Aquino.
Ayon sa grupo responsable din umano ang lokal na pamahalaan sa ilalim ni Mayor Joaquin Chipeco sa isa na namang kaso ng pagpaslang sa isang kilalang lider sa Calamba City. Si Chipeco, na hepe din ng CALABARZON Peace and Order Council, ang nagpapahintulot ng deployment ng militar sa lunsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply