Pamilya Ampatuan ‘hahatulan’ ng media

GAGAWA ng sariling pagdinig ang mga opisyal at miyembro ng National Press Club (NPC) upang hatulan ang pamilya Ampatuan hinggil sa “Maguindanao massacre” sa unang taong anibersaryo ng karumaldumal na krimen sa  Nobyembre 23.

Pipiliin sa pamamagitan ng isang “raffle” ang 12-miyembro ng NPC na siyang bubuong “jury” sa “Hukuman ng Mamamayan.” Ang hukuman ay kakatawan umano sa karapatan ng taumbayan na maging hukom.

Ilalabas sa “mock trial” ang mga ebidensya na iprinisinta sa totoong pagdinig sa Quezon City Regional Trial Court na siyang pagbabasehan ng hatol ng taumbayan sa nangyaring pagpatay sa 57 katao, kabilang ang 32 mga mamamahayag noong isang taon.

Ayon kina NPC president Jerry Yap, vice president Marlon Purificacion at dating pangulo ng NPC na si Benny Antiporda, hindi nila layong maimpluwensyahan ang takbo ng pagdinig ng korte sa ilalabas nilang hatol, ngunit isa umano itong paraan upang isigaw ang katarungan at kanilang disgusto sa bagal ng takbo ng pagdinig sa kaso.

“These delays manifest the weakness of the single-judge trial system to succumb to influences of aggressive litigants,” ayon sa mga opisyal ng NPC.

Sa ilalim ng “mock trial,” magsisilbing ebidensya ang mga testimonya ng mga inilabas nang testigo habang isang “defense of silence” naman ang gagawin umano ng panig ng depensa.

Bukod sa “mock trial,” magsasagawa ng motorcade, misa at candle lighting ang mga opisyal at miyembro ng NPC ngayong Lunes kung saan dadaanan ang lugar ng Espana, Mendiola, Legarda at ang tanggapan ng Depatrment of Justice sa Maynila.

Isang “effigy” ng backhoe at imahe ng isang tinaguriang “Atty. Misfortune” ang susunugin matapos ang promulgation sa mock trial ng NPC. Amor Virata

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply