Jeep nahulog sa bangin, 1 patay, 16 sugatan

ISA ang patay habang 16 na iba pa ang nasugatan makaraang mawalan ng preno at mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa Antipolo City, Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng dzBB, nawalan ng preno ang jeep na may biyaheng Manila kung saan nabundol nito si Violeta Gumapac, 50,  bago nahulog sa bangin.

Nabatid sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang naturang aksidente sa San Luis Village, na karamihan sa mga pasahero ay papauwi na sa kanilang tahanan.

Isinugod naman ang dalawang biktima na may edad na 18 at 11 sa Antipolo Community Hospital habang ang 14 naman ay dinala sa Antipolo City Hall upang gamutin.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply