Pananalasa ng Celtics nawakasan

TINULUNGANG wakasan ng 24 puntos ni Dirk Nowitzki ng Dallas Mavericks ang pananalasa ng Boston Celtics kahapon, 89-87.

Si Jason Terry ay nagdagdag ng 17 points habang si Tyson Chandler ay humakot ng 12 points at 13 rebounds para sa Dallas kaya nabasag ang limang sunod na panalo ng Celtics.

Ayon kay Terry, tinukso pa nila si Nowitzki dahil sa pagpapagupit nito kamakalawa.

“Dirk cut his hair,” ayon kay Terry. “He’s back to his MVP status. Tonight, he wasn’t going to settle.”

Samantala, hindi umubra ang bangis ni Paul Pierce na nakakuha ng 24 points habang ang 18 points ni Kevin Garnett at 11 ni Rajon Rondo ay hindi nakasapat para maipanalo ang laban.

Ang Boston ay nagtamo pa ng 87-82 lead may 1:58 ang nalalabi sa tira ni Pierce ngunit nakaganti ng layup si Nowitzki habang si Terry ay nakasapol pa ng 3-pointer.

Kasabay nito, ang Atlanta Hawks ay tila tiniris ng Orlando Magic sa iskor na 93-89 habang ang Chicago Bulls ay sinuwag ang Denver Nuggets, 94-92, sa pangunguna ni Derrick Rose. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply