Pang-aabuso sa low numbered plates, kakalusin ng Senado

TATAPUSIN na ng Senado ang pang-aabuso ng ilang opisyal ng pamahalaan at pribadong personalidad sa paggamit ng special numbered plates, partikular ang mabababang numero ng sasakyan.

Ito ay sa pamamagitan ng inihain ni Sen. Manny Villar na Senate Bill No. 2590 kung saan ipagbabawal na ang paggamit ng mga numerong 2, 3, 4, 5, 6 at 7 sa lahat ng plaka ng sasakyan, kabilang ang special plates na pinag-uugatan ng pang-aabuso ng ilan sa batas trapiko.

Ayon kay Villar, tanging ang bise presidente ng Pilipinas ang puwedeng gumamit ng numerong 2, 3 sa Senate president, 4  sa Speaker of the House, 5 sa Chief justice, 6 sa miyembro ng Gabinete, 7 at 8 naman sa mga senador at kongresista.

Sa panukalang batas ni Villar, ang Pangulo lamang ng bansa na may plakang 1 sa sasakyan at mga kinatawang dayuhan ang exempted at  maaaring gumamit ng mababang numero ng plaka.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply