Pangulong Aquino umaming nakikipag-date na kay Liz Uy

MATAPOS ang ilang linggong kumakalat na balitang mayroon nang espesyal na relasyon, winakasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga espekulasyon matapos amining nagbibigay siya ng kanyang oras para lumabas kasama ang 28-year-old na stylist ng kanyang kapatid na si Kris Aquino na si Liz Uy.

Ayon sa radio report ng DZBB,  Sabado ng umaga, nagkakaroon na nang pagkakataong lumalabas silang dalawa ni Uy kapag maaaring isingit sa kanyang abalang schedule.

Hindi naman nagbigay ng mas mahabang paliwanag ang estado ng relasyon nila ng dalaga. Ayon pa sa Pangulo, nasa proseso pa rin siya ng  pag-aayos ng kanyang damdamin matapos ang relasyon nila ni Valenzuela City Councilor Shalani Soledad.

Matatandaang walang umamin kina Pangulong Aquino at Shalani kung totoo nga ang balitang break na sila.

Si Shalani ngayon ay abala na kasama ni Willie Revillame sa pagho-host sa kanyang programang Willing Willie.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply