Panukalang amnesty bubusisiin sa Kamara

IPATATAWAG ng Kamara de Representantes sina Sen. Antonio Trillanes, Executive Secretary Paquito Ochoa at Justice Secretary Leila de Lima upang linawin ang mga isyung nakapaloob sa proklamasyon ng amnestiya sa mga rebeldeng sundalo na inisyu ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.\

Bukod sa tatlong nabanggit ay nais din ng mga kongresista na humarap sa pagdinig ng House committees on justice at national defense ang mga miyembro ng fact-finding board na naatasang mag-imbestiga sa bigong 2003 mutiny, nakinabilangan ni Trillanes.

Ang Proclamation 50 ay nagbibigay ng amnestiya sa mga opisyal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakasama sa Hulyo 27, 2003 mutiny sa Oakwood Apartments sa Makati City, Pebrero 2006 standoff ng Marinessa Fort Bonifacio, at ang Manila Peninsula Hotel siege sa Makati City noong Nob. 29, 2007.

Sa unang pagdinig ng komite kahapon, sinabi ni Minority Leader at Albay Rep. Edcel Lagman na mahalagang makadalo sa pagdinig ang mga miyembro ng Feliciano Commission, na siyang binuo ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyona nag-imbestiga sa Oakwood mutiny, sa pagdinig upang makuha nila ang “inputs” mula sa komisyon.

Sa ilalim ng proklamasyon, aalisin ng amnestiya ang anumang criminal liability sa ginawang aksyon ng mga sundalo na sangkot sa insidente.

Ibabalik rin nito ang civil at political rights of entitlement na nasuspinde o nawala dahil sa kanilang ginawa.

Ang lahat ng enlisted personnel ng AFP na maaaprubahan ang application for amnesty ay papayagan ding ma-reinstate o ma-reintegrate, base na rin sa isinasaad sa batas.  Meliza Maluntag

Lotto senators di takot sa CBCP

HINDI natatakot  ang mga senador na tumataya sa lotto sa anumang resbak ng Catholic Bishops’ Conference of the Phlippines (CBCP).

Ganito ang tugon ng mga senador sa kuwestyon ng ilang miyembro ng CBCP na bumabatikos sa mga mambabatas na tumataya sa lotto ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) na umaabot na sa mahigit P350 milyon ang jackpot prize.

Sa magkakahiwalay na panayam, nagkakaisa ng tugon sina Sen. Vicente Sotto, Francis Escudero, Juan Miguel Zubiri at Ramon Revilla Jr.

Ayon kay Sotto, hindi siya natatakot dahil sa bawat halaga na itinataya sa lotto, malaki ang naitutulong nito sa paghahatid ng serbisyo publiko ng PCSO tulad ng pangangalaga at pagpapagamot sa mahihirap na mamamayan.

“Ako ang ilan sa kanilang kakampi sa population control, paano ako matatakot. Saka, hindi katulad ng jueteng, dito ang gobyerno ang tinutulungan mo. Hindi ka man tumama o manalo, alam mo mapupunta sa charity ang itinaya mo,” giit ni Sotto.

Para naman kay Escudero, hindi dapat ikatakot ang anumang pagkilos kapag ligal ang ginagawa. “Wala naman masama sa pagtaya ng lotto, ligal naman ‘yun.” Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply