Papalit kay Melo dadaan sa search committee

MAGDADAAN sa search committee ng Malakanyang ang sinumang papalit kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Jose Melo na nagsumite na ng kaniyang letter of resignation.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa panayam ng DZMM, nakausap niya kagabi si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at sinabi nitong kailangan nang magsimulang maghanap ang search committee dahil bukod kay Melo, dalawa pang Comelec commissioner ang magreretiro sa susunod na taon.

Nabatid pa kay Lacierda na lahat ng mga nominado ay dadaan sa search committee at ito ang magsusumite ng shortlist na pagpipilian ng Pangulo.

Una nang tinanggap ng Comelec en banc ang pagbibitiw sa pwesto ni Melo bilang chairman ng komisyon, epektibo sa katapusan ng Enero ng susunod na taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply