Paputok, ipagbabawal na sa Brgy. Bangkal sa Makati

MAHIGPIT na ipagbabawal ng pamahalaang lungsod ng Makati ang paggamit ng mga residente ng Barangay Bangkal na apektado ng “gas leak” ng anumang uri ng paputok sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ito ay upang maiwasan ang posibleng mas malaking trahedya sa lugar.

Ipinag-utos na ni Mayor Jejomar Erwin Binay sa mga opisyales ng Barangay Bangkal na magpasa ng ordinansa para sa pagbabawal ng pagbebenta at paggamit ng anumang uri ng paputok.

Nais ni Binay na agad ipakalat ang impormasyon sa lahat ng residente ng barangay.

Nangangamba si Binay na maaaring magkaroon ng napakalakas na pagsabog sa naturang barangay kung may magpapaputok lalo na sa vicinity ng West Tower Condominium dahil sa nababalot pa rin ng singaw ng gas ang naturang lugar.

Kasalukuyang nasa proseso pa rin ang pamahalaang lokal at ang First Philippine Industrial Corporation sa paglilinis ng naturang lugar. Maaaring matagal pa bago maibalik sa normal ang hangin na kontaminado ng gas. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply