Pasadong performance ng PHL sa Asiad, Romasanta nahihibang!

WALA talaga umanong binatbat ang karamihan sa mga atleta ng bansa kapag ang pinag-uusapan ay ang Asian Games at Olympics.

Naungkat ang usapin dahil sa napakapangit na performance na ipinakita ng mga atletang Pinoy sa katatapos na Asiad kung saan nag-uwi lang ang mga atleta ng tatlong gold medals taliwas sa ipinagmamayabang ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na sa bilyar pa lang ay hahakot na tayo ng sampung ginto.

Ayon sa kritiko, tila nauna ang yabang ng mga opisyal ng mga National Sports Commission gaya ng sa track and field.

“Puro lang sila yabang, pero ang inuubos nila at sinasayang ay ang milyon-milyong pondo ng gobyerno,” dagdag pa ng kritiko.

Nakapagtataka naman na sa kabila ng pangit na performance ng Philippine Team na naglaro sa 16th Asian Games sa Guangzhou China ay binigyan pa ito ng pasadong marka ni Asian Games Chief de mission Joey Rosamanta.

“Nahihibang na yata itong si Romasanta, aba’y kaya tuloy nagiging tanga at mahina ang karamihan sa mga atleta ay dahil kahit palpak ay puro aprub ang ibinibigay ng bugok na opisyal na ito,” anang kritiko.

Imbes rebisahin kung bakit palpak ang naging performance ng mga atleta ay parang pinupuri pa niya ang mga kapalpakan nito sa kabila ng suportang ibinibigay ng gobyerno sa pagpopondo para sa ensayo ng mga manlalaro.

“Bugok yata itong si Romasanta, akalain mong sabihin na pasado ang performance ng mga atleta sa kabila na malinaw na palpak ito,” galit na wika ng kritiko.

Ayon sa ulat, sa kabuuang 188 athletes ang kasama sa delegasyon subalit 3 ginto lang ang nasungkit ng mga ito.

Totoong ipinakita ng mga atleta ang kanilang determinasyon subalit sa kabuuan ay palpak talaga ang kanilang performance at halimbawa rito ay ang larong bilyar kung saan naging parang mga bagito ang manlalaro ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply