Pasahe sa LRT, MRT lolobo sa P20-P30

TINATAYANG aabot sa P20-P30 ang magiging pamasahe sa Light Railway Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sakaling maipatupad ang fare hike sa susunod na taon.

Bilang pamaskong handog sa libu-libong commuters, tiniyak ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na sa su-sunod pang taong ipa-patupad ang pagtataas ng pamasahe sa LRT at MRT dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naisasapinal ang fare matrix ng mga ito.

Ayon kay TransportationUndersecretary Dante Velasco, kung hindi ito maipapatupad bago mag-Pasko ay sa isang taon na ito ipatu-tupad para makapahanda ang mga commuters na gumagamit ng nasabing transportasyon.

Batay sa pagtataya ni Velasco maaaring umabot ang pamasahe mula P20 hanggang P30.

Hinihintay na lamang aniya ng tanggapan ang pinal na desisyon mula sa 12 miyembro ng board at maging ang pagsasagawa ng public consultations. Johnny Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply