Pasahero arestado dahil sa bomb joke

NADAKIP ang isang ginang na pasahero makaraang magbiro na naglalaman ng bomba ang bitbit nitong  bagahe, kahapon ng umaga, sa Ninoy Aquino International Airport NAIA) Terminal 1.

Kinilala ni Screener Lubis Tarcilla ang pasahero na si Zenaida Sangalang, tubong Santa Rita, Batangas matapos  magbiro na isang malakas na pampasabog ang nilalaman ng kanyang bagahe habang daan-dahang ibinababa sa x-ray machine.

Hindi akalain ni Sangalang na ang pagbibiro ay magdudulot ng kanyang pagkakabilanggo nang bitbitin ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) at ikinulong sa detention cell ng NAIA. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply