Paslit dinukot sa Bacolod

ISANG siyam na taong gulang na batang lalaki ang di sinasadyang dinukot dahil napagkamalan lamang  ng dalawang naka-bonnet na lalaki sa Bacolod City, umaga ng Martes.

Ayon kay Bacolod City Police Office Director Senior Supt. Celestino Guara, naganap ang pagdukot sa hindi pinangalanang biktima 10:00 ng umaga sa Brgy. 40.

Nabatid sa report ng Bacolod City Police Office Women and Children’s Protection Center,  papauwi na ang bata galing sa tindahan nang kaladkarin itong papasok sa isang van at pinaharurot patungong Katimugang bahagi ng lungsod.

Sa pahayag ng bata, narinig niyang nag-uusap ang dalawang suspek na ang isa ay nagsabing mali ang kanilang nadampot kung kaya’t ibinaba na lang ito sa Bangga Crossing Punta Taytay at mabilis na tumakas.

Nagtungo naman ang bata sa bahay ng kanyang tiyahin sa Brgy. Sum-ag kung saan siya sinundo ng kanyang mga magulang at agarang nagsumbong ang mga ito sa pulisya.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply