Paslit napisak sa gumuhong pader

Malubhang nasugatan ang isang pitong taong gulang na bata makaraang mabagsakan ng gumuhong  pader sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si  Fritz Escala, residente sa Kaingin Rd., Brgy. Apolonio Samson ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay isinugod sa Quezon City General Hospital  dahil sa mga pasa, sugat at galos sa katawan.

Sa inisyal na ulat, gumuho ang pader na may 100 metro ang haba at 10 talampakan ang taas kung saan nadaganan ang paslit na nasa loob ng bahay na binagsakan ng pader, dakong alas- 11:45 ng umaga, sa naturang barangay.

Sinisiyasat din ng mga awtoridad ang isang pamilya na nakulong sa loob ng bahay nang madaganan ng gumuhong pader.

Hinala ng mga residente na may kahinaan na ang pundasyon ng pader dahil sa kalumaan kaya ito gumuho. (James de Jesus)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply