Paslit natodas sa hit-and-run

KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang batang lalaki makaraang masagasaan ng hindi mabatid na sasakyan na naging sanhi ng kamatayan nito sa Brgy. Malumot, Panapaan 7, Bacoor, Cavite.

Nakilala ang biktima na si Jake Isaac Bongat, 3, naninirahan sa 17 Kilometer Hi-way ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Orozco, ganap na ala-una ng hapon nang maganap ang insidente.

Nahagip ng rumaragasang pampasaherong jeep ang biktima  na hindi pa mabatid ang plaka patungo sa South direction.

Sinabi na kagigising lamang ng biktima at lumabas sa kanilang tahanan kung saan nga nahagip at nakaladkad ng nasabing sasakyan. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply