Paslit natusta, 3 sugatan sa sunog

NASAWI ang isang batang babae habang nasugatan naman ang ina, lola at tiyahin nito matapos makulong sa loob ng kanilang bahay na nasusunog kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktimang si Maricel Manabat sanhi ng tinamong 3rd degree burn.

Nilalapatan naman ng lunas ang nasugatan na sina Norma Francisco, 65, at Mary Ann (ina ng bata).

Samantala, sa Ospital ng Tondo dinala si Emerenciana Franciso, 61, upang gamutin ng kanyang pagkakasunog.

Sa ulat ni SFO1 John Joseph Jalique, dakong 10:45 ng gabi nang nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Franciso sa 363 Capulong st., Tondo, kung saan mahimbing natutulog ang mga ito. Mabilis na rumesponde ang mga pamatay sunog kaya naagapan ang pagkalat ng apoy at hindi na nadamay pa ang mga katabing kabahayan. J. T. Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply