Paslit tepok sa sunog sa Mandaluyong City

ISANG paslit ang namatay makaraang matupok ang kanilang bahay sa Mandaluyong City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa radio report ng dzBB, naiwang mag-isa si Aaron Gunio, 5, sa kanilang bahay sa 431 Barangka Drive sa Plainview village, naturang lungsod.

Nagsimula ang sunog bandang 9 p.m. kung saan mabilis na kumalat ang apoy at naapektuhan ang may tatlong bahay bago maapula makalipas ang isang oras.

Tinangka pang iligtas ng mga kaanak ang naturang biktima ngunit hindi na nila nagawang lumoob pa sa bahay sa laki ng apoy at kapal ng usok nito.

Ayon sa inisyal na report, hinihinalang kandila ang pinagmulan ng sunog kung saan napag-alamang brownout sa naturang lugar nang mga oras na iyon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply