Passport ng aplikante iniipit para di makuha

Bigyan natin ng daan ang katanungan ng ating reader na may kinalaman sa pag-ipit sa passport ng kanyang misis ng rekruter na Straight & Int’l Manpower Agency.

Balak na kasing i-withdraw ng misis ng ating rea-der ang kanyang passport dahil sa napakakupad na  pagpapaalis nito sa kanya.

Ang problema ay iniipit daw  ng agency na inaplayan ng misis ng ating rea-der para nga naman ‘di makuha ang passport. Puwedeng kunin ng aplikante ang kanyang passport kaya lang may babayaran siyang  mga gastos.

Basahin natin ang reklamo sa  text message sa atin.

Gud pm, Sir Johnny. Tatanungin ko lang kung tama na ipitin ng agency ang passport  ng  misis ko dahil sa balak na niyang i-withdraw ito dahil hindi siya mapalakad nito. Kasi ni-recruit siya ng agency na nagsabing may visa na raw yung agency nila para sa domestic helper. Kaya pumayag ang misis ko. Ang sabi pa,  libre ang medical at processing ng papers. Pero ang tagal, di pa rin nila mapalakad ang misis ko.

Nang magtanong kami kay Mam Lerma, sinabi niyang ibinigay na sa iba yung posisyon at visa na para sana sa misis ko. Dahil sa tagal at ‘di makapag-apply si misis sa iba sa pagkaka-hold ng passport nito, ninais na niyang kunin pero ‘di ibinigay.

LOTTENG PADER KAY MAYORA GUIA!!!

Sa kabila ng mahigpit ang kampanya laban sa lahat ng uri ng ilIgal na pasugalan ay buong tapang naman na ino-operate ng isang Chinese na alyas Paul ang kanyang loteng sa San Juan. Ipinagmamalaki ni Paul na kaibigan niyang matalik si Mayora Guia Gomez kaya di ito ginagalaw.

Ganun ba, e paano naman si PNP chief Gen. Raul Bacalzo? Magmumukhang tanga???

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 0926671-9269 o email juandesabog-@yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply