Patay na raw!

KAMAKAILAN ay tumawag sa atin ang isang kasamahan sa opisina. Bakas ang labis na pag-alala at takot sa kanyang tinig.

Papaano nga kasi, may natanggap siyang balita na isa sa kanyang barkada at kaibigan ay yumao na raw. Atake raw sa puso ang ikinamatay ng kanyang tinutukoy!

Maging tayo ay hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi.

Eh, papaano naman tayo maniniwala gayung ang sinasabing namatay na raw ay walang iba kundi ang inyong lingkod.

Susmeng buhay ‘to! Ang saya-saya…kausap ng aking kaibigan sa cellphone ang isang patay!

Nagmula ang balita sa ilang katao na nanghihingi raw ng abuloy para sa inyong lingkod.

Susmeng buhay ‘to uli! Ang mga nanghihingi ng abuloy ay nais pa yata akong bukulan para lang kumita!

He he he! Baka naman para sa kanila ang abuloy na iyan?

Pero para sa ating mga kaibigan na nagpapakalat ng balita, next time na talagang pumantay na ang ating mga paa (Oh, bakit nagtaas ng kilay ang mga nakakakilala sa atin), ay sila ang kauna-unahang tao na ating tatawagan!

Har har har! Patay na tumawag gamit ang cellphone!

Nais ko lang iparating sa lahat, na buhay na buhay po ang inyong lingkod at sa sumandaling basahin ninyo ang kolum na ito ay patuloy sa pagtipa sa computer ang inyong lingkod!

Sarap sigurong dalawin ang mga ungas na nagpapakalat ng balita, hane po!

Dahil sa kanilang kagaguhan, dapat ay maputol ang dila ng mga gunggong na ito!

KAMPANYA LABAN SA IPINAGBABAWAL NA PAPUTOK PINAIGTING

Ipinag-utos ang higit pang pagpapaigting sa kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa mga nagtitinda ng ipinagbabawal na paputok ngayong nalalapit na ang paggunita sa Pasko at Bagong Taon.

Sa direktibang ito, inatasan  ang lokal na pulisya, mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) at iba pang departamento na manmanan ang mga nagtitinda sa palengke at iba pang pamilihan kung may nagtitinda ng mga ipinagbabawal na paputok.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang watusi at piccolo na kinagigiliwan ng mga kabataan ngunit masama naman ang maaaring maging epekto sa kalusugan ng mga ito sakaling maisubo ng bata.

Bukod dito, ipinagbabawal din ang pagtitinda ng mga malalakas na klase ng paputok na maaaring maging dahilan upang makapinsala sa kabuhayan at buhay ng mga residente.

Matatandaan na naglabas na rin ng babala ang Department of Health (DOH) tungkol sa maaaring maging epekto ng mga ipinagbabawal na paputok sa katawan ng tao lalo sa mga batang makakasubo ng watusi at piccolo.

Maaari ring pagmulan ng sunog ang mga nabanggit na paputok kaya’t maging ang Bureau of Fire and Protection (BFP) ay lubusan ding nakikiusap sa mga residente na iwasang magpaputok sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Kasabay nito, binalaan rin ang mga negosyante na magtitinda ng mga ipinagbabawal na paputok na maaaring makasuhan ang ito sakaling magmatigas pa ring magbenta ng mga iligal na paputok.

(Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid ay maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com). Arnold Pajaron

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply