Patriots pinasaludo ang Satria Muda

PINADAPA ng Philippine Patriots ang Indonesian team tungo sa kanilang malinis na 5 panalo sa AirAsia Asean basketball league season 2 sa homeground  na Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naghabol sa 8 puntos na pagkakahuli ang Patriots sa 3rd quarter bago tuluyang ipanalo ang laro sa iskor na 75-69.

Umarangkada sina Egay Billones, Benedict Fernandez at ang import na si Donald Little sa last quarter nang agawin ang abante 70-64 may 51.5 segundo sa buzzer time. Umiskor si Billones ng 20, 10 dito ay sa last frame, si Fernandez ay bumuslo ng 12 at sina Little at Junjun Cabatu ay naghati sa 22 puntos. Bukod sa puntos na naitala ni Little siya ay nakakabig ng 25 boards at 2 blocks.

Muling nanatiling nasa bangko ang Amerikanong player na si Anthony Johnson nang magbalik ang dinaramdam na hamstring injury na nakuha niya sa laban ng Patriots kontra Chang Thailand Slammers na nilupig nila sa iskor na 54-48 noong nagdaang linggo.

Nakontrol ng Patriots ang laro sa huling quarter sa kabila ng pananalasa ng Indon import na si Marcus Morrison na nagtop iskor sa Satria Muda ng 32 puntos. Sa kanilang ika-limang panalo napatatag ng mga Pinoy cage ang tangan sa liderato habang nalaglag ang Satria Muda sa kanilang ika-apat na talo kontra sa isang panalo ng 6-bansang kalahok sa torneo. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply