Patriots tinirador ang Slingers sa double OT

Nasapol ng Philippine Patriots ang Singapore Slingers sa double over time game mismong sa balwarte ng Singapore 5 sa indoor stadium nila, subalit dumaan sa butas ng karayom ang mga Pinoy bago maitala ang makapigil-hiningang 87-85 na kinailangan ang dalawang ekstra ekstensiyon period, una ay ang 66-all at ang ikalawa ay ang 75-75 deadluck.

Inabot ng problema ang koponan ni coach Louie Alas ng hindi makatapos ang American import na si Rasheim Wright na humalili sa may hamstring injury na si Anthony Johnson, dahil naman sa pagdaranas ng sariling pinsala sa 4th quarter na umuntol sa sana ay kanyang impresibong paninimula sa Patriots sa pagtatala ng 22 puntos, 5 assists, 3 boards at 3 steals.

Ang isa pang import na si Donald Little ay nakapagtotal ng 10 points bago napalabas sa playing court sa pagkuha ng maximum personal fouls.

Nanatiling nasa tuktok ng 6-team standings ang Patriots na tangan ang 6-1 win-loss-slate na nadungisan ng Brunei Barracudas noong Linggo sa nakahihiyang 56-71.

Magbabalik ang pagdidepensa ng RP Patriots sa korona ng Air Asia Asean Basketball League laban sa Thailand Slammers sa homeground sa Ynares Sports Arena sa Pasig, City sa Sabado ng gabi. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply