Patrombon swak sa World Cup round-of-16

WALA nang makapipigil sa pag-angat ni Jeson Patrombon sa buong mundo sa hanay ng international tournaments matapos siyang magwagi sa three-set encounter nila ng  Frenchman na si Alexandre Favrot sa round-of-32 match ng 24th Yucatan World Cup sa Meridan, Mexico.

Si Patrombon, na siyang top junior player ng bansa ay nanalo sa pamamagitan ng 6-2, 5-7, 6-3.

Ang 17-anyos na si Patrombon ay nakitaan na ng bagsik at nahulaan nang mananalo nang magtala ng 5-4 lead sa second set.

Subalit nawala naman siya ng focus matapos na si Favrot, na pumalit kay Arturo Pacheco ng Costa Rica, ay nadale sa injury timeout.

Sa tatlo pang laban ay halos sumuko na si Patrombon bago nadiktahan ang katunggali sa deciding third set.

Nakabalik din si Patrombon, seeded sixth sa Grade 1 tournament, sa kanyang tempo hanggang sa manalo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply