Patrombon talsik sa Yucatan Cup

TUMALSIK si Jeson Patrombon sa singles event ng ginaganap na 24th Yucatan World Cup sa Meridan, Mexico matapos talunin ni Lucas Pouille ng France, 4-6, 2-6.

Gayunman, si Patrombon ay nananatili pa rin naman sa doubles event. Sa buong match si Pouille ay ginamit ang husay laban sa batang Pinoy sa Last 8 match at sunod na haharap kay No. 2 seed Mate Pavic ng Croatia.

Natuklasan na nagkaroon ng pinsala sa paa si Patrombon ngunit inabisuhan ang Filipino junior netter na tanggalin ang benda.
Ang injury ay pangkaraniwan na sa mga tennis players.

Ang 17-year-old na si Patrombon ay malakas pa ang pag-asa dahil makalalaro pa siya kasama ang injured partner niyang si Jarin Grinter ng New Zealand.

Sina Patrombon at Grinter ay unang nanalo kina Patrik Fabian ng Slovak Republic at Justin To ng Hong Kong sa kanilang Round of 16 match.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply