PBA recruits ng Smart-Gilas, ready na sa Asiad

Tiyak na ang pagsabak nina Kelly Williams, Asi Taulava, at Solomon Mercado sa Asian Games sa Guangzhou, China na magbubukas sa Nobyembre 12.

Ito ay kasunod ng pagpapaalam nila sa kani-kanilang team sa PBA para pag-ukulan ng nalalabing panahon ang pag-eensayo kasama ang orihinal ng line-up ng national team.

Nagparating sina Smart-Gilas Team coach Rajko Toroman at ang mga team officials sa mga team owners at  staff ng 3 recruits sa pagbibigay ng pahintulot na makasama ang kanilang players sa pambansang koponan.

Sa suporta ng tatlong PBA players, umangat ang porsiyento ng tsansa ng national team na makapagbigay ng magagandang laban sa mga national cagers ng Kuwait, India, Afghanistan, North Korea, HongKong, Mongolia, at Turkenistan para sa apat ng slot sa main group.

Ang unang grupo na kinabibilangan ng Asian powerhouse Iran, Qatar, Japan at Chinese Taipei habang ang isa pang grupo ay binubuo ng Asian champion China, South Korea, Jordan, at Uzbekistan ay malaon ng nakahanda sa kompetisyon. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply