PBA Stars sa Gilas dadagdagan

MATAPOS ang laban sa Korea, inihayag ni Jong Uichico na mas maiging magdagdag ang Pilipinas ng mas marami pang PBA players sa mga pandaigdigang kompetisyon.

Si Uichico ay nakasama na sa dalawang Asian Games noong 1994 sa Hiroshima at noong 2002 naman sa Busan kung saan nakasama rin siya sa FIBA Asia Championship noong 2007 bilang kasapi ng coaching staff at head coach.

Ayon sa multi-titled PBA mentor, walang masama kung daramihan ng RP team ang puwersa nito sa major Asian basketball tournaments sa mga susunod na taon kung ang layunin nito’y mapalakas ang puwersa ng koponan.

“There’s nothing wrong in sending professional players to international tournaments,” ayon kay Uichico.

“We’re not the only one doing that. In fact, most countries do. Japan, China, Korea are countries which have their own professional leagues and they keep sending professional players to international tournaments.”

Iginiit naman ni Uichico na wala siyang nakikitang dahilan kung bakit ang mga PBA players ay ayaw lumahok sa national team.

Sa tuwing nakikipagpulong umano sila sa Gilas at kahit napag-usapan na ay biglang umaatras ang mga atleta.

Para kay Uichico, head coach ng Barangay Ginebra Gin Kings sa PBA, ang batang team gaya ng Gilas ay nangangailangan ng ayuda mula sa mga pro players. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply