PCG, nagpadala na ng eroplano para sa paghahanap sa nawawalang foreign vessel sa Batanes

ISANG eroplano ang ipinadala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Bayan ng Itbayat sa Batanes Island para hanapin ang nawawalang Panamanian vessel na may sakay na mga tripulanteng Filipino-Chinese.

Ayon kay PCG Spokesperson Lt. Comm. Armand Balilo, Nobyembre 9 pa nawala ang Panamanian-registered cargo vessel na MV Diamond na galing pa sa China.

Inihayag ni Balilo na nagpalabas na rin ng notice to mariners ang PCG sa lahat ng mga sasakyang pandagat na dadaan sa naturang karagatan para makatulong sa ginagawang search and rescue operations ng Philippine at Japanese Coast Guard.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply