PCSO, binawi na ni PNoy sa DOH

TULUYAN nang binawi ni Pangulong Benigno Aquino III mula sa Department of Health (DOH) ang pangangasiwa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa ipinalabas na Executive Order No. 14 ng Pangulo, malinaw niyang isinaad ang paglilipat ng kontrol ng PCSO mula sa DOH patungong Office of the President (OP).

Ang PCSO ay itinuturing na pangunahing  government agency na ang tungkulin ay mangalap at magbigay ng pondo  sa health programs, medical assistance at services, at charity.

Sinasabing ang PCSO ay orihinal na nasa kontrol at superbisyon ng OP sa bisa ng Republic Act 1169 na lumikha sa PCSO.

Subalit dahil sa pagpapalabas ng Executive Order No. 383 noong Nobyembre 2004 ng noo’y Presidente Gloria Macapagal Arroyo, inilipat ang PCSO sa ilalim ng superbisyon ng Department of Social Welfare and Development.

Noong Agosto 22, 2005 naman, sa bisa ng Executive Order No. 455 ni Arroyo, inilagay ang PCSO sa DOH.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply