PDEA agent tepok sa engkuwentro

DAHIL sa pagkamatay ng isa sa kanilang tauhan, nagluluksa ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkamatay ng isa nilang tauhan habang tumutupad  sa kanyang tungkulin matapos mabaril at mapatay sa isang engkuwentro na ikinasawi rin ng kanyang nakalaban sa isang buy-bust operation sa Lanao del Sur.

Bunga nito, inutos ni PDEA Director General Dionisio R. Santiago na ilagay sa half mast ngayon ang bandila ng Pilipinas sa headquarter ng PDEA sa Quezon City bilang pagbibigay pugay at pagluluksa sa pagkamatay ni Intelligence Officer 1 Jesus Asay Ebo Jr. ikalawang casualty sa Class 04 -2010 (Sandiglahi) ng PDEA Academy.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng operasyon noon ang combined elements ng PDEA-ARMM at Philippine Army at Wao Municipal Police sa Bliss Poblacion Wao,Lanao de Sur noong Oktubre 28,2010 laban sa notorious drug pusher na si Virgilio B. Poce alyas Calvo,43, ng nasabing lugar .

Nauna rito, tumayong poseur buyer si IO1 Ebo Jr. matapos ang transaksiyon nila ni Calvo ngunit natunugan ng huli na isang entrapment ang operasyon at naramdaman ng suspek na PDEA agent ang kanyang kausap.

Dahil dito, naunahan umano ni Calvo na putukan ang agent na tinamaan sa kaliwang dibdib pero nagawa namang makaganti ng huli at pinutukan niya rin ang bumaril sa kanya na nasawi rin habang isinusugod sa Wao District Hospital. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply