Publiko pinag-iingat sa pekeng medisina

MAHIGPIT na pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko kaugnay sa pagkalat ng mga pekeng medisina sa iba’t ibang botika sa bansa.

Ang babala ay ipinahayag ni FDA acting director Nazarita Tacandong upang maiwasan ang masamang epekto sa kalusugan ng pekeng gamot na mabibili sa botika.

Ipinaliwanag ni Tacandong na matutuklasan lang na huwad ang mabibiling medisina kung ang mga ito ay dadaan sa pamamagitan ng laboratory test at lalabas na walang active ingredient na dapat tinataglay ng medisina.

Ayon sa opisyal, ang pain relievers ay mayroong sangkap na ibuprofein at ang paracetamol ang active ingredient nito kumpara sa pekeng gamot na walang anuman sa dalawang nabanggit na sangkap, kaya balewala ang mga ito kapag ininom ng may karamdaman at maaaring magdulot ng panganib sa gagamit nito.
Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply