Peñalosa tampok sa Pinoy Pride II

TAMPOK ang bagong sibol na boksingerong si Dodie Boy Peñalosa, Jr. sa fight card na pinamagatang PINOY PRIDE II: BEST OF THE BEST na gaganapin sa Waterfront Hotel and Casino.

Makikipagbangasan si Peñalosa Jr. kay Jomar Torreon na isa ring Pinoy rising prospect.

Si Peñalosa ay anak ni dating kampeon Dodie Boy at pamangkin ni 3 time
world champ Gerry Peñalosa.

Sasabog din sa nasabing card ang bakbakan nina Milan “El Metodico” Melindo at former IBF world light flyweight champ Carlos Tamara ng Colombia.

Magpapakita rin ng bagsik si dating IBF mini-flyweight champ Florante Condes laban kay Kenichi Horikawa ng Japan habang si dating three time OPBF champ Randy Suico ay makikipagsubukan kay Philippine welterweight champion Arnel Tinampay.

Haharap naman si Rey Melligen kay Junel Gadapan samantalang makikipagtuos din si Melvin Gumban kay JR Salvador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply