House OKs pension for retired athletes

INAPRUBAHAN na sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng pension sa mga retiradong atleta na nagbigay karangalan sa bansa.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party list Rep. Mark Aeron Sambar, sa ilalim ng House bill 2094, mabibiyayaan ng P15,000 buwang pensyon ang mga atletang nagsipagwagi sa world championships.

Bukod dito, makakatanggap din ng P200,000 health benefits sakaling maospital ang isang retiradong world champion sa edad na 50.

Ayon sa mambabatas, malaking tulong ito sa mga atleta sa oras na sila ay magretiro na mula sa pagboboksing.

Iginiit ng mambabatas na hindi lamang mga boksingero ang sakop ng panukala kundi kasama rin ang iba pang uri ng palakasan.

Kapag tuluyang naisabatas ang panukala, kabilang sa posibleng magkamit ng benepisyong ito ay mga atletang sina Lydia de Vega, Elma Muros, Paeng Nepomuceno at Efren “Bata” Reyes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply