People’s Tonight binastos ang Pilipino Star Ngayon

NAPAHIYA ang malalakas, malalaki at organisadong team ng Pilipino Star Ngayon (PSN)  matapos durugin ng People’s Tonight   upang ipalasap  ang pangalawa  nilang  sunod na pag-katalo at  magpapatalsik sa Remate/Ahon Foundation Inter-Publication Basketball Tournament.

Tila ibong tinanggalan ng pakpak ang PSN ng silatin sila ng Tonight dahil asang-asa ito na sila ang makakakuha ng pangalawang pwesto sa Group B dahil sa malalakas at malalaki ang kanilang players.

Maganda ang ipinakitang laro ng Tonight  sa laban na pinangunahan ni Niño Marquez na naglaro sa kauna-unahang pagkakataon sa kaponan.

Ginamit na ng PSN ang kanilang lakas at mahuhusay na players subalit talagang minamalas ang team ng madulas ang kanilang point-guard habang dala ang bola  sa isang crucial situation na nagbigay ng sure win sa Tonight.

Lamang ng isa ang Tonight habang may natitira pang 18 seconds ng hindi inaasahang madadapa ang kanilang  pointguard ng kumana ito ng isang cross-over move.

Naagaw ng Tonight ang bola at idiniretso sa kabilang court  kaya  napilitan ang PSN na kumana ng isang foul.

Dalawang segundo na lang ang natitira, naibuslo ng Tonight ang isa sa dalawang free-throw at dahil wala ng time-out ang PSN,  hindi na nito nagawang maitawid ang bola sa kabilang court.

Sa unang laro, na-default ang Manila Standard dahil dalawa lang sa kanilang manlalaro ang dumating sa court.

Bilang konsiderasyon dahil nalagay sa Group B  na tinatawag na “death row,” pinagbigyan pa ng committee ang Standard na maghintay kahit 45 minutes,  subalit talagang hindi nakaabot sa oras ang team.

Nangunguna sa tournament sa Group B ang Philippines Star  na may 3-0, win-loss slate, at sinundan ng Peoples Tonight (2-1), PSN  (1-2) at Standard (0-3) samantalang  ang Group A ay pinaghaharian ng Hataw (3-1), Remate (2-1), PhilTrust (1-2), Tribune (1-2) at Airforce One (0-2).

Malapit na ang finals at ilang laro na lang ay maghaharap na ang dalawang matitikas na team ng dawalang bracket.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply