Pambayad utang? Erap ibebenta ang bahay

MALAMANG na ipambabayad ni dating Presidente Joseph Estrada sa kanyang mga utang ang halagang malilikom niya mula sa pagbebenta ng kanyang house and lot sa Greenhills, San Juan.

Ito ang tinuran ng kanyang anak na si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa media nitong Huwebes.

“Well, I cannot blame him. First of all, he was in jail for six and a half years, and he’s lost in the recent presidential elections,” sabi ni Jinggoy.

“Siyempre, marami siyang kailangang bayaran. Marami rin siyang mga utang na kailangang bayaran, kaya siguro he decided to sell our property at Polk St.,” aniya pa.

Kung si Jinggoy lang ang masusunod, hindi siya papayag na ibenta ang tahanan nila sa Polk Street sa Greenhills. Anang senador, may sentimental value ang property sa San Juan sa pampulikong buhay ng dating pangulo.

“Kung ako ang tatanungin ninyo, of course, may sentimental value yung property namin dahil dun siya nag-umpisang naging mayor, naging senador, naging vice president and eventually naging Presidente,” ani Jinggoy.

“(But) of course, we all have to respect his decision…” dagdag ng senador.

Ayon pa kay Jinggoy, possible ring nalulungkot ang kanyang ama sa pamamalagi niya sa tahanan nila sa Polk kaya naisip niya itong ibenta.

“Kasi dadalawa na lang sila sa bahay, mommy ko at daddy ko. So, siguro nalalakihan din kaya naisipang ibenta.” Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply