Perang migrante: Nagiging P40 na lamang ang dating P50

KUNG sa akala ninyo ay madali at magaan na kuwenta ang pagbabawas ng P20 mula sa P100 na salapi ng mga overseas Filipino worker, nagkakamali po kayo.

Napakalalaking problema, Suki, ang ibinubunga nito.

Tingnan ninyo.

Umaangal na ang napakaraming OFW o migrante sa palitan ng piso at dolyar.

Paliit na nang paliit ang halaga ng natatanggap na remitans ng kanilang mga pamilya sa repablik ni Juan.

Op kors, talagang umaangal ang mga may sahod na $200-$300 lang kada buwan, ang mga katulong na milyon ang bilang lalo na sa mga bansang Arabo at ilang bansa sa Asya gaya ng Malaysia.

Magkano lang ba naman kasi ang kapalit ngayon ng $200 o $300 sa P42 kada dolyar?

oOo

Pero maging yung mga may katamtamang kita na OFW ay umaangal din.

Sa Korea, por eksampol, ang mga steelman sa mga konstraksyon ay dating may P50 mil na kapalit ng kanilang sahod buwan-buwan.

Yun yung panahong nasa P50 ang bawat dolyar.

Ngayong nasa P42 na lang ang palitan ng piso sa dolyar, biglang bumagsak ang kanilang padala.

Siyempre, nagkakaloko-loko ang badyet ng kanilang mga pamilya.

Ang masakit pa,  nasa P40 lang o mas mababa pa ang talagang palitan dahil gusto ring kumita ang mga money changer at bangko sa pagbili ng dolyares.
oOo

Sari-sari ang epekto ng pagbaba ng kita sa mga pamilyang OFW.

Yung mga kumuha ng hulugan na mga pabahay at sasakyan ay kinukapos at umiiyak na.

Wataymen, sumasablay na sila sa buwanang pagbabayad ng hulog sa mga ito. Kasabay nito ang pagbawi nila ng mga bata na mag-enrol sa praybeyt iskuls tungo sa mga pablik iskul.

Mabuti sana umano kung nagmumura ang mga bilihin.

Ang kaso, pataas nang pataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinasabayan pa ito ng pagmamahal din ng bayarin sa mga kuryente, tubig, produktong petrolyo at iba pa.

Alam ba ninyo, Suki, ang pangunahing idinadasal ng mga migrante? Wala sanang magkasakit at maospital hanggang sa mamamatay na miyembro ng kanilang mga pamilya.

Sa isa lang na pagkakasakit nang grabe o pagkamatay kasi ng miyembro ng pamilya ng mga migrante, lalong paghihirap ang kanilang mararanasan.

Una, matatamaan sila ng magastos na pamasahe sa pagbalik-balik sa repablik ni Juan at bansang doon sila nagtatrabaho.

Ikalawa, suwerti lang ang mga may babalikan pang trabaho.

Ikatlo, paano ang mga utang nila sa pagiging migrante na kung ilang buwan nilang binubuno bago sila talaga kumita para sa kanilang mga sarili at pamilya?

oOo

Oo nga pala, umiiyak na rin ang maraming eksporter dahil nagmamahal umano ang halaga ng kanilang mga panindang “made in the Philippines” sa ibang mga bansa.

Kailangan kasi ng mga dayuhan na magparami ng dolyar bago sila makabili ng mga produktong Pinoy.

Sey niyo, Suki?

O kayo riyan na magagaling sa matuwid na daan at ekonomiya, ano-ano na ang ginagawa niyo rito, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply