PETCs ipasasara ng LTO

MULING binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga may-ari ng private emission testing centers sa buong bansa na ipasasara ang mga ito oras na mapatunayang nagsasagawa ng non-appearance testing sa pagsusuri ng usok ng mga sasakyan bago irehistro sa LTO.

Ginawa ang babala ni LTO Chief Virgie Torres bunga ng mga balita na nagsasagawa ng non appearance ang ilang emission testing center sa kanilang pagsusuri ng usok ng sasakyan.

Una nang ikinalungkot ni Torres ang pagkabigo ng mga Petc owners na sundin ang napag usapan na gawing P300 na lamang ang emission test sa mga otse at P150 sa motorsiklo.

Nais ni Torres na maibaba ang singil sa emission test upang mabawasan ang gastusin ng mga vehicle owners nationwide. Santiago Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply