Pinas ‘paraiso’ ng human traffickers

Malaya  ang operasyon ng international human trafficking syndicate sa bansa sa kabila ng kampanya laban dito ng Bureau of Immigration (BI).

Batay sa nakalap ng impormasyon, tatlong Chinese national mula sa mainland China ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Nobyembre 5, subalit makalipas lamang ang isa’t kalahating oras, nakabiyaheng muli ang mga ito palabas ng bansa gamit naman ang Malaysian passport.

Nabatid pa na noong Oktubre 28, isang Iranian na kinilalang si Mike Gabriel Antoine Mulak ang dumating sa bansa subalit umalis rin kinabukasan gamit na ang isang French passport.

Bukod dito, 8 pasahero ang napag-alamang ipina-deport ng Malaysian Immigration noong Nob. 4 matapos madiskubreng peke ang kanilang mga travel documents mula sa Pilipinas.  (Teresa Tavares)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply