PH Patriots nilunod ng Barracudas

Nilagot ng Brunei Barracudas ang pamamayagpag  ng PH Patriots sa unang kabiguan ng defending champion na Pinoy cagers sa unang pagkatalo sa AirAsian Asean Basketball League (ABL) sa Brunei Indoor  Stadium.

Ang kahiya-hiyang 2 points basket ni Donald Little ay ang pinakamababang puntos na naitala sa isang quarter sa dalawang season ng ABL simula ng ilunsad ito.

Ang mga Pinoy imports ng Barracudas ang nagpahirap sa Patriots na hindi nakalamang sa buong laro hanggang tapusin ang inkwentro sa iskor na 71-56.

Si ex-PBA reinforcement ng Patriots na si Anthony Johnson na hindi nakalaro sa ikaapat na pagkakataon ay nakatakdang halinhinan ng Jordan national player na si Rasheim Wright sa pagsabak laban sa Singapore Slingers sa Linggo sa Singapore Indoor Stadium.

Sa kabila ng kabiguan ay nanatiling nasa ibabaw ng 6-Team Standing ang Patriots at sinusundan ng Thailand Slammer (3-2) at ng Singapore Slingers (3-3).

Nanguna si Egay Billones na nagtala ng 19 points mula sa 5 sa 6 shootings na sinundan ni Little ng 11 points at 12 rebounds na kinaldag.

Nasundan ng Indonesian Satria Muda Britama ang unang homecourt na panalo laban sa Singapore Slingers sa 88-83 OT win.  Sina Marcus Morrison na pumuntos ng 21 at 13 boards at Anthony Broxsin na tumipa ng 20 at 17 boards ang naghatid sa ikalawang panalo ng Indonesian Team kontra sa 5 na pagkakalugmok.  RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply