Philippine basketball team, makabawi kaya sa Korea?

ITO na marahil ang pagkakataon na hinihintay ng Pinoy cagers upang makaganti sa Korea na minsan silang sinilat sa isang winning moment noong 2002 Asian Games na ginanap sa Busan, Korea.

Makakalaban ng Smart Gilas Team Pilipinas ang matatangkad na players ng Korea matapos talunin sa group F ang Chinese-Taipei, 82-73 sa pagpapatuloy ng 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Lumanding sa third spot ng group F ang Nationals upang makalaban ang Korea na nasa second place ng group E sa cross over quarterfinal match.

Magtutuos ang dalawa sa ganap na 1:15 ng hapon ngayong araw upang malaman kung sino ang hahakbang sa semifinal round kung saan makakalaban ang mananalo sa pagitan ng Japan at DPR Korea.

Pumukol ng 18 puntos si Fil-Tongan Asi Taulava kontra sa Chinese-Taipei upang maiayos ang muling pakikipagbanggaan ng katawan sa mga Koreano.

Kasama si Taulava sa Philippine Selecta-RP Team sa Busan kung saan ay isa siya sa sumunod sa fake shot ng Koreano kaya naibuslo ang final points sa three-point area.

Lamang ng isang puntos ang Korea laban sa Selecta RP team sa Busan subalit sa isang three-point shot ni Olsen Racela lumamang ang Pilipinas ng dalawang puntos may 51 segundo pa ang nalalabi bago matapos ang laban.

Hindi naka-puntos ang mga Koreano sa kanilang possession at pagbalik ng bola sa Pilipinas ay tumira si Racela ng dalawang free throws may 16 na segundo pa ang natitira.
Matapos isablay ang dalawang tira ni Racela ay napunta ang bola sa Korea at doon nasaksihan ang masakit na pagkatalo ng Pilipinas 68-69. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply