PHL inilampaso ng South Korea

Nabigo ang Team Pilipinas na makapasok sa semi-finals sa nagpapatuloy na 16th Asian Games sa Guangzhou, China matapos na talunin ng South Korea sa iskor na 74-66.

Si Paul Asi Taulava ang nagtrabaho ng husto para sa national team kung saan nagtala ito ng 23 points at 4 rebounds.

Si Joseph Casio ay mayroon namang 12 points at 4 rebounds.

Hindi na nakayanan ng PHL team ang matatangkad na South Koreans kung kaya’t sa huli ay inilampaso sila nito at hinadlangang makapasok sa semi-finals.

Nakalaban ng  Smart Gilas Team Pilipinas ang matatangkad na players ng Korea matapos talunin sa group F ang Chinese Taipei, 82-73 sa pagpapatuloy ng 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Lumanding sa third spot ng group F ang Nationals upang makalaban ang Korea na nasa second place ng group E sa cross over quarterfinal match.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply