PHL ligtas sa terorismo – UAE

KUMPIYANSA ang United Arab Emirates (UAE) na walang katotohanan ang kumakalat na balita kaugnay sa bantang terorismo sa bansa.

Sa ginanap na 2-day World Robot Olympiad sa bansa na dinaluhan ng 22 mga bansa, iginiit nina Kerry Bailey, Special Advisor for School Operations at Dr. Nayla Alraway, Educational Advisor kapwa sa Abu Dhabi Education Council, UAE, na hindi mapanganib ang Pilipinas gaya nang mga unang napaulat.

“It’s safe here.  We don’t find Philippines dangerous despite of the travel advisory issued by other countries.  Otherwise we are not here,” diin nina Bailey at Alraway.

Ganito rin ang paniniwala ni Bassam Al Fakih, Abu Dhabi Branch Manager, Orient Planet PR& Marketing Communications bagama’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapasok ng Pilipinas.

“I was’t worried.  In fact last night I and my wife took even a short walk from Manila Hotel and we noticed that people in the streets we’re very friendly.  The police and the armed forces are awake 24/7 for security to make our life safer… you know we went to many malls and restaurants with my wife we didn’t see any problem,” saad pa ni Fakih na dumalo din sa naturang okasyon na isinagawa sa Mall of Asia (MOA).  Linda Bohol

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply