PHL pug knockout sa Australia

WALANG awang binugbog ni WBO #9 featherweight Joel Brunker (17-0, 11 KOs) si Filipino Robert Lerio (13-11-1, 5 KOs) sa loob ng eight rounds sa The Cube sa Campbelltown, NSW, Australia kahapon.

Kinontrol ni Brunker sa lahat ng rounds at kumonekta ng malalakas na tama sa ulo at katawan.

Sinubukan ng Pinoy na makipagsabayan ngunit kapos siya sa hangin at lakas.

Kaya naman, napilitan si referee Brian McMahon na igawad kay Brunker ang panalo sa oras na 2:20 sa round 8 matapos na humalik ang puwet ni Lerio sa lona nang tatlong beses.

Samantala, si Australian welterweight champion Victor Chernous (11-1, 4 KOs) ay dinomina si Ray Musson (7-6, 5 KOs) ng New Zealand sa six action rounds. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply