PHL wrestler, sepak takraw lugmok sa Asiad

DALAWANG sunod na talo ang nalasap ng Pilipinas sa unang sports event na sinalihan kahapon sa pagpapatuloy ng hostilidad sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Sa wrestling women’s freestyle category, nabigong maka-abante sa next round si Maribel Jambora matapos na talunin ng pambato ng Cambodia sa kanilang preliminary bout.

Sibak rin ang sepak takraw team ng Pilipinas kontra sa South Korea sa iskor na 42-31.

Kasalukuyang namang nakikipagtunggali ang national basketball team kontra North Korea para sa 5th to 8th place  sa tournament.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa pang-19th na puwesto sa over-all medal tally, kung saan mayroong 2 golds, 2 silvers at 9 na bronze medals.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply