‘Pilipinas Kay Ganda’, minadali — Lim

MINADALING ipalabas sa publiko ng kabibitiw pa lamang na si Undersecretary Vicente Romano III  ang inihaing slogan ng turismo na “Pilipinas Kay Ganda”.

Ito ay ayon sa Department of Tourism chief noong Miyerkules. Ayon kay Secretary Alberto Lim nagbigay sila ng waning kay Romano sa agarang pagpapalabas ng naturang slogan.

“Kami naman, nag-warn dahil kailangang may market test. Sabi niya, ‘o saka na yan, at ilantad muna natin ito para makita ng tao at kung batikusin, i-withdraw natin.’ So yan ang nangyari, dagdag ni Lim sa isang panayam sa dwIZ.

Matatandaang noong nakaraang Martes inilabas ni Romano ang sana’y magiging bagong slogan ng turismo na “Pilipinas Kay Ganda” ngunit nag-ani ito ng batikos sa publiko.

Ang pagdisgusto ng publiko sa naturang proposal ay nagbunsod kay Pangulong Benigno Aquino III na hindi ito tanggapin.
Isa sa puna ng publiko ay kung maiintindihan ba ng mga dayuhan ang salin sa wikang tagalong na slogan na “Pilipinas Kay Ganda.”

Agad namang humingi ng paumanhin si Romano kay Pangulong Aquino, Lim, at sa publiko.

“Kung may ganyang creativity, ayaw mo pigilin dahil baka ma-discourage ang tao. Enthusiastic ang tao, galing siya sa kalsada so gusto niyang may pagbabago kaagad so pinilit niya ipursigi ito,” dagdag pa ni Lim.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply