‘Pilipinas Win na Win’ hanggang January na lang?

LATE dumating si Pokwang sa  presscon  ng filmfest entry ng Regal Films na  ‘Super Inday and the Golden Bibe’’  na pinangungunahan nina Marian Rivera, Jake Cuenca,  John Lapus at  Pokwang.

Inurirat ang huli kung ano ang masasabi niya sa napapabalitang hanggang January na lang ang ‘Pilipinas, Win na Win’. “Kasi ‘yung mga sabi-sabi ngayon, hindi muna namin pinapakinggan as  long na hindi pa nanggagaling sa management. Dun  na kami maniniwala pag sinabi na ng mga in-charge na bossing sa show,” bungad  niya.

May takot ba siya na  matitigok  ang show?

“Wala..kasi kung sakali man ..hindi naman kami pababayaan.Meron at meron  kaming kalalagyan dahil ‘yun ang ipinangako sa akin ng management. Kung may nawawala. May magbubukas. Kumbaga, ‘wag kang malungkot dahil may darating na kapalit..ganun?,” sey pa niya.

Since nasa ‘Pilipinas Win na Win’ na ang topic, natanong si Pokie kung gaano katotoo ang balita na may bagong hosts na madadagdag sa nasabing noontime show at kinumpirma naman niya ito.

Ano ang masasabi niya sa pagbabago ng show?

“Ay sanay na kami. Ang importante, ginagawa nila ang lahat para mapaganda ang show. Kung baga sa ulam, hinahanapan nila ng sangkap talaga para magustuhan ng ating kababayan.”

Ano’ng masasabi niya sa pagpasok ni K Brosas sa ‘PWNW’?

‘Yung kay K, bago pa ako umalis , na habang wala ako ay  dun muna ang papalit. Pero siyempre, natutuwa naman ako kay Mare, dahil pareho kaming single mom, dagdag grasya yun para s akanyang anak, trabaho.

Actually, ang nagba-bonding ‘yung mga anak namin, hindi kami. Magkakaibigan sila sa Facebook, sila ang nagtsitsismisan ng bonggang-bongga,” sambit pa ni Pokie.

Hindi ka na-insecure?

“Wala..wala…Nagbibigayan pa nga kami ng idea kung paano  mapaganda ‘yung segment,”aniya.

Sino na-insecure sa iyo, si Marian Rivera?

‘Oo, nainsecure sa kagandahan ko ‘yan. Pero unti –unti namang natatanggap na niya,” pagbibiro niya.

Kumusta naman katrabaho si Marian Rivera?

“Masaya siya. Babaeng-bakla. Nakakatuwa siyang kausap, diretso.Kung ayaw  niya,ayaw niya ,pag gusto niya,gusto niya.Very transparent si bakla,” sagot niya.

So, isa na rin si Marian sa bff niya?

“Naman, tsangblouse.Mamahalin niyo pag talagang nakilala niyo siya. Nu’ng una marami akong naririnig pero ngayon minahal ko na siya,” sagot pa niya.

Tsuk!-0o0-

Nawala na sina Janelle Jamer at Gie Canlas sa ‘Pilipinas, Win na Win’.

Marami ang nagulat dahil magaling naman sila sa show. Lalo  na si Janelle na may award na rin naman na Best Female TV host. Balitang, inalis na sila sa show bago pa ito matsugi dahil may magandang plano sa kanila ang network. Hindi na hinintay na mapasama sila sa alingasngas na nalalapit na ang pagsasara ng show.

Nakatsikahan namin si Janelle sa  Star Awards for TV at sabi lang niya may niluluto raw na bagong show na mapapasama siya at ire-repackage.

Right now, busy muna siya sa pagso-shoot ng MTV niya para sa album niyang ‘Believer’.

-0o0-
Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang cast ng ‘Temptation Island’ dahil magsama-sama sina Marian Rivera, Lovi Poe, Carla Abellana at Pokwang. Isa na lang daw ang kulang para sa role ni Dina Bonnevie.

Ano ang nangyari kay  Andi Eigenmann na panay ang pa-interbyu niya na kasali sa project na ito ng Regal Films? Bakit siya naetsapuwera?

Mukhang bagay naman sa kanya ang Dina Bonnevie role.

Anyway, bago ang ‘Temptation island,’ may filmfest entry sina Marian Rivera at Pokwang entitled “ Super Inday and the Golden Bibe’ na kung saan ay kasama rin sina Jake Cuenca, John Lapus , Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Jestoni Alarcon, Sheena Halili, Buboy Villar,Jairus Aquino atbp. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply