Pinakamataas na pagkilala ibinigay kay Pacman

TRATONG Presidente ng Pilipinas ang ibinigay ng Kongreso kay Manny Pacman Pacquiao bilang pagkilala at parangal sa nagawa nito sa mundo ng sports na nagbigay ng malaking karangalan sa bansa.

Bilang pagbibigay pugay sa itinuturing na pinakamagaling na atleta sa Pilipinas maging sa buong mundo, binigyan ng Kongreso sa pangunguna ni Senate President Sonny Belmonte si Pacman ng “Congressional Medal of Distinction.”

Sa sobrang paghanga at paggalang sa nakamit ng kongresista mula sa Sarangani, halos ilang minutong standing ovation at palakpakan rin ang iginawad dito matapos basahin ni Belmonte ang achievements nito bilang atleta na nagtaas sa Pilipinas sa buong mundo sa larangan ng sports.

Halos hindi naman mapawi ang ngiti at saya sa mukha ng Pambansang Kamao na umaming hindi siya kinabahan sa laban nila ni Antonio Margarito subalit kinabahan siya ng husto sa inihandang parangal sa kanya ng mga kapwa niya mambabatas.

Iminungkahi rin sa kongreso na sana’y gawaran rin ang Pinoy boxer ng  “number one taxpayer award o anumang ibang pagkilala.”

Ito’y matapos maglabas ng report ang BIR na nagbayad si Pacman ng P125 M buwis noong 2008 lamang, habang mas malaki pa ang binayaran nito matapos ang kanyang ibang laban.

Samantala, isinumite  na ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang Resolution 280 na magluluklok at magpaparangal kay Pacquiao bilang pinakamagaling na Filipino athlete  matapos makasungkit ng 8 world titles sa eight different weight divisions sa boxing.

Nagdala ng pride at karangalan si Pacquiao sa ating bansa matapos nitong sirain ang world records at maging kauna-unahang boksingero sa history  na nanalo ng 8 world titles sa iba’t-ibang weight divisions.

Kahanay na niya ngayon sina Sugar Ray Leonard, Marvin Hagler, Thomas Hearns, Roberto Duran, Mike Tyson, at kahit si Muhammad Ali, anang Senator.

Nag-file rin si Pangilinan ng resolution sa 14th Congress upang bigyan si Pacquiao ng highest national honors. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply