Pinay inakusahan ang amo ng panghahalay sa Saudi

INAKUSAHAN ng isang Pilipina ang kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia nang pangre-rape sa kanya nang limang beses simula nang manilbihan siya bilang kasambahay noong Hunyo.

Ayon sa 27 anyos na overseas Filipino worker (OFW), tinangka umano niyang manlaban sa tuwing pupuwesahin siya ng kanyang amo, ngunit wala siyang magawa dahil sa lakas nito.

“My employer has raped me five times since the month of Ramadan. On Thursdays when his wife left the house, he would come to my room at night and force me to have sex with him,” ayon sa naturang OFW sa isang panayam na inilathala sa  news site Arab News, Biyernes.

Ayon sa Arab News, nabibilang ang akusado sa miyembro ng isang royal family.

“The police told us to secure a permit from the governor’s office so that the embassy team could enter the compound, but as it is the weekend we cannot do anything now,” batay sa embassy official.

Nakiusap na rin umano sila sa Saudi recruitment agency na nagbigay ng trabaho sa naturang OFW na tulungan ito. “If it does not comply, we’ll have it blacklisted in the Philippines,” dagdag pa ng official.

Nabatid pa sa biktima na nagtangka siyang magpakamatay matapos ang unang panghahalay sa kanya,  ngunit naiisip lamang umano niya ang kanyang pamilya na kanyang babalikan sa pamilya kung kaya nagbabago ang kanyang isip.

Ayon sa kanya, ang kanyang pamilya ang dahilan kung bakit siya nangamuhan sa ibang bansa.
“I wanted to ensure that my children could go to school. That’s the reason why I left them. I thought that I could supplement my husband’s earnings for the children’s education,” dagdag pa nito.

May apat na anak ang naturang OFW, dalawang lalaki at dalawang babae na nakatira sa kasalukuyan sa Butuan City sa Mindanao.

Nakasaad pa sa Arab News report, hinihimok ng naturang OFW ang Philippine officials sa Saudi Arabia na gumawa ng aksyon dahil hindi na raw niya kaya ang ginagawang kahalayan sa kanya ng kanyang amo.

“I could not bear anymore the thought of being sexually abused. I hope that the embassy will do something about this,” saad nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply