Pinay sa UAE na nakipag-sex, lalatiguhin

ISANG Filipina housemaid sa United Arab Emirates at ang kanyang boyfriend ay kamakailang pinatawan ng parusang 100 latigo, pagkakulong, at deportation matapos mapatunayan ng hukuman sa UAE na nagkasala ang dalawa ng adultery.

Ayon sa Gulf News, napatunayan ng Sharia Court sa siyudad ng Sharjah na ang Filipina at ang kasintahan nitong Bangladeshi ay guilty sa unlawful sex matapos na magsiping ang dalawa sa tahanan ng pinagtatrabahuhan ng babae.

Ayon sa ulat, malimit na dinadala ng Filipina ang kanyang boyfriend sa bahay ng kanyang amo kung walang tao dito. Ngunit ayon sa mga pulis, minsang nahuli ng kanyang amo ang Filipina.

Sa ilalim ng Sharia law, ang mga Muslim expatriate na napatunayang guilty sa adultery ay pinapatawan ng parusang latigo at deportation.

Kung di naman Muslim ang nagkasala ng adultery, ang parusa ay pagkakulong at deportation.

Ngunit dahil ang Filipina at ang kanyang kasintahan ay parehong Muslim, pareho silang papatawan ng tig-iisang daang latigo. Soledad Montes

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply