Pinoy cue artists nangamote sa Asiad

Nakakahiya!

Akala ng sambayanang Filipino ay maaasahan nila ang mga pambatong cue artists ng bansa sa pangunguna ni Efren Bata Reyes, Roberto Gomez, at Rubilen Amit.

Ang larong bilyar ang siyang sports discipline na inaasahang hahakot ng ginto sa Asiad subalit isang napakalaking kahibangan pala at isang maling akala.

Dahil imbes na makapagdala ng karangalan, kahihiyan ang iuuwi ng ating mga pambato sa larong bilyar.

“Kapag may perang nakataya, laging nananalo ang mga manlalaro sa bilyar, subalit kapag karangalan ng bansa gaya ng sa Asiad e’ nakapagtatakang nangangamote ang ating mga pambato,” galit na wika ng isang kritiko.

Ayon pa rin sa  kritiko, isang malaking dagok sa larong bilyar ang naging pagkatalo ng mga itinuturing na alamat sa larangan ng bilyar gaya nina world champions  Bata Reyes, Gomez, at Amit.

Sa unang sigwada sa Asiad, yumukod agad ang tinaguriang billiards icon na si Bata Reyes sa hindi kilalang si Alok Kumar ng  India, 3-7, sa eight-ball. Kinapos din ang isa pang sikat sa bilyar na si Rey Grandea kontra  P. Chaititanasakun  ng Thailand sa English billiards.

Sibak rin si Roberto Gomez Jr. kontra kay Sumit Talwar, 5-7, sa  eight-ball at ang  duo nina  Alvin Barbero at Marlon Manalo ay nasibak rin sa Iranian duo sa round of 16 sa snooker.

Hindi naman nakapasok sa quarterfinals si Amit at Iris Ranola sa Women’s 8-ball singles na parehong tinambakan ng kani-kanilang kalaban.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply