Pinoy Cue Masters, Woodpushers Humataw sa Asiad

Humugot ng inspirasyon mula sa magandang performance ng dancesports duo na nakasungkit ng dalawang bronze medals, itinipa kahapon ng  women’s billiard at woodpushers team ang kanilang panalo sa 16th Asian Games.

Pinutol nina Rubilen Amit at Iris Ranola ang kamalasang inabot ng RP cue masters matapos itong manalo sa 8-ball event.

Sinagasaan ni Amit si Uyanga Battulga ng  Mongolia, 5-0, samantalang medyo kinabahan muna bago nanalo si  Ranola kontra kay Zoljargal Zorigt ng Mongolia, 5-3.

Una ng sumungkit ng dalawang bronze medal para sa bansa sina Ronnie Steeve Vergara at Charlea Lagaras sa cha cha at paso doble events ng dancesports, Linggo ng tanghali.

Samantala, kumamada rin ng panalo si Grandmaster Wesley So at GM Joey Antonio. Lalaban ngayon ng dalawang matches ang dalawa upang makumpleto ang nine-round Swiss system race para sa individual honors.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply